Ang Kanin
-amadeux-


Bigas ay tahipan
Kaldero ay linisin
Gatong ay hipan
Bigas ay hugasan
Sa tamang dami ay tubigan
Sa kalan ay isalang
Sa bagang katamtaman
Pagkulo ay bantayan
Sa pag-alsa ng kanin
Pinagkuluan ay bawasan
Mainam na am ay pakinabangan
Kaldero ay bahagyang buksan
Sa sandaling ito'y matuyuan
Baga ay bawasan
Takip ng kaldero ay lagyan ng asin
Sa sandaling matapos ang pag-in-in
Kanin ay palamigin
Bago sa hapag ay ihain


***


Palay ay pilian
Binhi isaboy sa tubigan
Araruhin ang palayan
Sa pataba lupa ay punan
Bahagya itong tubigan
Binhi ay kunin sa punlaan
Itanim sa pinag-araruhan
Panatilihin ang tubig sa palayan
Sa mga peste ito'y protektahan
Pag-usbong ng butil ay obserbahan
Hanggang sa itoy magkulay ginintuan
Maghanda sa panahon ng anihan
Butil at dahon ay paghiwalayin
Sa sako mga butil ay likumin
Ibilad ang palay sa kapatagan
Sa ilalim ng araw ay painitan
Sa ilang araw dalhin ito sa gilingan
Nang mga butil ay mabalatan
Muli itong ilagay sa malinis na sisidlan
At ipagbili sa mga pamilihan
Bibilhin at iuuwi sa tahanan
Ilalagak sa bakanteng tapayan
Handa na ang bigas para isaing at gawing kanin

Categories: